Australian gov’t tutulong sa mga reform programs ng hudikatura
Tiniyak ni Australian Ambassador to the Philippines Steven Robinson ang committment ng gobyerno ng Australia sa pagsuporta nito sa mga reform programs ng hudikatura.
Ito ang inihayag ni Robinson sa kanyang courtesy call sa mga mahistrado ng Korte Suprema.
Pinasalamatan naman ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang Australia sa pagiging isa sa mga developmental partners sa ilan sa mga reform programs ng hudikatura.
Noong 2018 ay inilunsad ng Sandiganbayan at Australian Embassy ang Sandiganbayan Modernization and Transparency Initiative.
Sa pamamagitan ng programa ay mapapaunlad ang efficiency, competency, at transparency sa mga hearings ng anti-graft court.
Ilan pa sa mga programa na sinuportahan ng Australian government ang fiscal management and procurement law workshop, at ang court calendar digitization.
Moira Encina