Australian Open tuloy pa rin kahit may lockdown
MELBOURNE, Australia (AFP) – Magpapatuloy pa rin ang Australian Open tennis tournament sa Melbourne ngunit wala nang manonood na fans, sa harap ng five-day lockdown na ipinag-utos sa host city para makontrol ang outbreak ng UK coronavirus strain.
Ang unang Grand Slam ng taon ay nagsimula nitong Lunes na may limitadong fans na manonood, dahil sa umiiral na virus restrictions matapos sumailalim sa mandatory quarantine ang lahat ng mga manlalaro.
Ang limang milyong residente ng Melbourne ay inatasang manatili sa kanilang tahanan sa loob ng limang araw simula mamayang hatinggabi, matapos lumabas ang isang cluster ng COVID-19 cases mula sa isang quarantined hotel sa paliparan ng lungsod.
Gayunman, under way na ang games nang gawin ang anunsyo kung saan sina Serena Williams, Naomi Osaka at Novak Djokovic ang nakatakdang sumalang sa tennis court.
Sinabi ni Premier Daniel Andrews ng Victoria state, na kinabibilangan ng Melbourne, ang tennis venue ay iku-konsiderang isang “workplace” na maaaring magpatuloy ang function subalit limitado ang staff.
Sinabi naman ni Tennis Australia chief Craig Tiley, ang mga manlalaro sa Australian Open ay magko-compete sa isang biosecure “bubble” para matuloy ang torneo, matapos i-anunsyo sa Melbourne ang isang snap five-day lockdown.
Ayon kay Tiley . . . “Play will continue. The players will compete in a bubble form. All the feedback we’ve heard is that the players just want to get on and play. Those who will be allowed on site will be the players only and their support teams, as well as staff members who will be unable to do their work from home.”
© Agence France-Presse