Australian town, nakaranas ng record high temperature na 50.7C
Isang remote town sa Western Australia ang nakaranas ng temperaturang aabot sa 50.7 degrees Celcius o 123.26 degrees Fahrenheit.
Babala ng Climate Council, maaaring maging karaniwan na sa Australia ang nabanggit na temperatura dahil sa global warning.
Ang naturang temperatura ay naranasan ng coastal town ng Onslow nitong Huwebes ng hapon.
Ayon sa Bureau of Meteorology . . . “New Western Australia maximum temperature record and equal National temperature record. Onslow reached an unprecedented 50.7C which is a WA record and equals Australia’s hottest day set 62 years ago in Oodnadatta SA.”
Ang bansa ay huling nakapagtala ng temperaturang 50.7C noong January 2, 1960 sa Oodnadatta Airport sa South Australia (SA).
Ayon kay Climate Council research director Dr. Martin Rice . . . “The record was part of a long-term warning trend driven by the burning of coal, oil and gas. Extreme temperatures were already having deadly catastrophic consequences. Heatwaves are the silent killer in Australia, they cause more deaths than any other extreme weather events.”
Ang Australia ay nakaranas ng bushfires noong summer sa west part, habang nakamamatay na mga pagbaha naman sa eastern coast.
Sinabi ni Rice na kung hindi mababawasan ang greenhouse gas emissions, ay maaaring maging karaniwan na lamang ang lubhang mataas na temperatura sa Australia.
Inaasahang opisyal na kukumpirmahin ng Bureau of Meteorology ana record ngayong Biyernes ng hapon, matapos makumpleto ang quality control checks.