Autism consciousness week, ginugunita ng DOH 

 

 

Ideneklarang Autism consciousness week ang ikatlong linggo ng Enero.

Ito ay batay sa Presidential Proclamation no. 711 at  ito ay ginugunita ng Department of Health (DOH).

Ayon sa mga eksperto, ang autism ay isang uri ng developmental disorder kung saan ang isang indibidual na may taglay nito ay kinakikitaan ng suliranin sa pagsasalita, pakikisalamuha sa iba at sa kanilang pag uugali o gawi.

Tinatawag pa nga ng marami ang may autism na…”may sariling mundo”.

Sa mga pag aaral, sinasabing maaaring makuha ang autism kapag na expose sa kemikal ang bata habang nasa loob ng tiyan ng ina at may nagsasabi ring  ito ay namamana.

Ang mga dapat umanong obserbahan sa bata upang malaman na may autismo ito ay kapag hindi siya natutong magsalita sa edad na dalawang taon, hindi makakilala  ng mga tunog, walang reaksyon kapag tinatawag at wala ring eye contact kapag kinakausap.

Ngunit, paglilinaw ng mga eksperto, huwag naman munang ipalagay  o isipin agad na autistic na ang isang bata kapag kinakitaan ng mga nabanggit…. kasi  baka delayed lang ang development nito.

Upang makatiyak, mas mainam na  kumunsulta sa isang developmental pediatrician.

 

 Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *