‘Avatar’ nangunguna pa rin, pero ‘M3GAN’ hindi pahuhuli sa N. American sales
Hindi na nakapagtatakang mamalaging nangunguna sa North American movie screens sa nagdaang weekend ang “Avatar: The Way of Water” ni James Cameron, na kumita ng tinatayang $45 million, pero ang hindi inaasahang isang popular na horror movie ay hindi nalalayo sa ikalawang puwesto.
Sa ulat ng industry watcher na Exhibitor, ang “Avatar” sequel ay apat na linggo nang nangunguna sa box office. Ang 20th Century sci-fi film ay mayroon nang domestic earnings na $516.8 million at international earnings na $1.19 billion, kaya ito na ang ika-pitong “biggest movie” sa kasaysayan.
Subalit impresibo rin ang scary doll thriller na “M3GAN” mula sa Universal at Blumhouse, na ang titulo ay nangangahulugang Model 3 Generative Android, matapos kumita ng malakas na $30.2 million sa first weekend pa lamang nito, mas mataas kaysa inaasahan ng mga analyst.
Sinabi ni David Gross ng Franchise Entertainment Research,“Horror movies are showing no slowdown at the box office. Young moviegoers want to see them with their friends, on the big screen, for the maximum thrill.”
Pumangatlo naman ang “Puss in Boots: The Last Wish,” ang Universal spin-off ng “Shrek” franchise. Ang family-oriented film ay kumita ng $13.1 million para sa Friday-through-Monday period, kaya ang kinita na nito sa North America ay $87.7 million.
Ang bagong heart-warmer naman mula sa Sony, na “A Man Called Otto,” ay kumita ng $4.2 million sa ikalawang linggo nito at nasa ika-apat na puwesto.
Isang adaptation ng nobelang “A Man Called Ove” ng Swedish author na si Fredrik Backman, ang “Otto” ay pinagbibidahan ni Tom Hanks.
Pang-lima ang Disney superhero sequel na “Black Panther: Wakanda Forever,” na kumita ng $3.4 million kaya’t ang total domestic earnings na nito ay $445.4 million.
Narito naman ang kukumpleto sa 10:
“Whitney Houston: I wanna Dance With Somebody” ($2.4 million)
“The Whale” ($1.5 million)
“Babylon” ($1.4 million)
“Violent Night” ($740,000)
“The Menu” ($713,000)
© Agence France-Presse