Avigan trial dito sa bansa patuloy parin – DOH
Patuloy parin ang ginagawang trial dito sa bansa para sa anti flu drug na Avigan bilang posibleng panggamot sa COVID-19.
Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, may 37 pasyente ang nai-enroll para sa Avigan trial.
Ang 25 rito ay nakatapos na ng gamutan habang 6 naman ang nagpapatuloy parin sa medikasyon.
May apat naman aniya ang nagwithdraw habang dalawa ang itinigil sa pag-aaral.
Kabilang sa mga ospital na kasama sa Avigan trial, ay ang Philippine General Hospital, Sta. Ana Hospital, Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital at Quirino Memorial Medical Center.
Una rito, aminado ang DOH na nahihirapan sila sa pagrecruit ng mga pasyente para sa Avigan trial dahil sa bumaba na ang bilang ng mga pasyente.
Idagdag pa ang iba’t ibang trial na ginagawa rin sa bansa sa paghahanap ng gamot para sa virus na ito.
Madz Moratillo