Avigan trial kontra Covid-19 posibleng masimulan na sa lalong madaling panahon
Inaasahang sa lalong madaling panahon ay masisimulan na ang pag aaral dito sa Pilipinas para sa gamot na Avigan.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, pirma na lamang ang hinihintay sa ginawang review ng Ethics committee para sa Avigan.
Pagkatapos nito, mag-a-apply naman ng clearance mula sa Food and Drugs Administration para masimulan na ang clinical trial sa gamot na ito.
Ang Avigan ay isang anti-flu drug na sinasabing nakakatulong umano sa paggamot sa mga pasyenteng may Covid 19.
Una na sinabi ng DOH na libreng nagbigay ang Japan ng mga gamot na Avigan sa Pilipinas upang mapag aralan ang pagiging epektibo sa Covid 19.
Ulat ni Madz Moratillo