Avigan trial sa bansa hindi pa rin nasisimulan – DOH
Kinumpirma ni Health Usec. Ma Rosario Vergeire na hindi pa nasisimulan ang clinical trial sa bansa para sa gamot na Avigan.
Ang Avigan trial ay dapat na sisimulan noong Agosto 17 pero hindi ito natuloy ayon kay Vergeire dahil hindi pa natapos ang ilang isyu gaya ng usapin sa budget.
Sa apat na ospital na pagsasagawaan ng trial, ang Philippine General Hospital (PGH) pa lamang aniya ang nakatapos na sa mga kinakailangang proseso.
Habang ang approval ng ethics committee para sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital, Sta. Ana Hospital at Quirino Memorial Hospital ay inaayos pa aniya.
Paliwanag ni Vergeire kailangang aprubado ng Ethics Committee at ng Food and Drug Administration ang gagawing trial dahil gagamitin ito sa tao.
Umaasa naman si Vergeire na sa Setyembre ay masisimulan na ang Avigan trial.Ang Avigan ay anti flu drug na sinasabing nakakatulong sa paggamot sa pasyenteng may Covid-19.
Ulat ni Madz Moratillo