Avigan trial sa bansa hindi parin nasisimulan
Hanggang ngayon ay hindi parin nasisimulan ang clinical trial sa bansa para sa gamot na Avigan.
Ang Avigan ay isang ant- flu drug mula sa Japan na sinasabing nakakatulong sa paggamot sa pasyenteng may Covid-19.
Noong Agosto pa sana ito target masimulan pero ayon kay Health Usec Ma .Rosario Vergeire ay may ilang dokumento pang inaayos kaya hindi masimulan ang trial.
Una rito, sinabi ng DOH na ang Avigan Trial ay gagawin sa apat na ospital sa bansa.
Ito ay sa Philippine General Hospital, Sta. Ana Hospital, Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital at Quirino Memorial Medical Center.
Samantala, sinabi ni Vergeire na pinag aaralan na ang expansion ng ginagawang trial sa VCO o Virgin Coconut Oil bilang panggamot sa COVID-19.
Sa ngayon kasi ay mga suspect at probable case ng COVID-19 ang kasama sa trial.
Pero ngayon ay pinag aaralan na mabigyan rin nito maging ang mga covid patient na naka confine sa mga ospital.
Madz Moratillo