Ayuda para sa AKAP at AICS program ng DSWD, sariling pondo ng ahensiya at hindi ng sinumang pulitiko
Tiniyak ni Department of Social Welfare and Development o DSWD Secretary Rex Gatchalian, na sariling pondo ng ahensiya at hindi pondo ng sinumang pulitiko ang ginagamit sa ayuda para sa Kapos ang Kita Porgram (AKAP) at Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Ayon sa kalihim, lahat ng lumalapit sa tanggapan ng DSWD sa buong bansa, kahit walang referral o walk-in lang ay tinutulungan ng ahensiya.
Sinabi ni Gatchalian, na malinaw na nakasaad sa General Appropriations Act o GAA, na walang pondong galing sa pulitiko sa mga assistance program ng DSWD.
Ginawa ng kalihim ang pahayag matapos malarating sa kaniyang kaalaman, na may mga pulitikong tatakbo sa 2025 elections na nangangako ng tulong gamit ang AKAP at AICS ng DSWD.
Vic Somintac