Ayuda para sa mga magsasakang naapektuhan ng Taal eruption, nakahanda na- D.A.
Sinang-ayunan ng Department of Agriculture (DA) ang pahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ligtas pa ring kainin ang mga isdang nanggagaling sa lawa ng Taal.
Ayon kay Agriculture secretary William Dar, inatasan niya ang BFAR na pag-aralan kung pwede pang kainin ang mga isda sa lawa.
Nakumpleto na aniya ng BFAR ang pagsusuri at inaantay na lamang ang datos na kanilang ilalabas sa publiko.
Samantala, maliban sa pamamahagi ng mga food packs sa Taal evacuees, nakakasa na rin ang tulong na ipagkakaloob ng ahensya para sa mga mangingisdang naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal.
“Meron kaming 7 million fingerlings ng tilapia na ibibigay. Meron din kaming emergency loan asssitance sa lahat ng mga mangingisda na 25,000 pesos, zero interest at payable in 3 years”.