Ayuda para sa pantawid pasada, natanggap na ng mga jeepney driver
Natanggap na ng mga Jeepney drivers ang ayuda para sa Pantawid pasada ngayong araw.
Ito ang ini- anunsyo ng Department of Transportation sa pagdinig ng Senado kaugnay ng epekto ng nangyayaring krisis dahil sa girian ng Russia at Ukraine.
Ayon sa DOTr, 6500 ang matatanggap ng jeepney at bus drivers mula ngayong araw hanggang bukas.
Batay aniya sa datos ng LTFRB, aabot sa 377,000 ang mga jeepney at bus drivers na mabibigyan ng ayuda.
Nakikipag- ugnayan pa raw sila sa DILG para sa masterlists naman sa ayuda ng mga tricycle drivers at sa DTI para sa mga delivery riders na apektado ng oil price hike.
May sapat naman aniyang pagkukunan ng pondo dahil ang inisyal naP 2.5 billion ay nakapaloob sa 2022 budget habang ang balanse na 2.5 billion ay nasa unprogrammed appropriations ng DOTr na inaprubahan naman ng NEDA.
Ayon sa DOE, ang problema sa pagsirit ng presyo ng krudo ay pang buong mundo at hindi nila maaring pigilan ang mga oil companies na magtaas ng presyo.
Sa ngayon aabot na sa 120 dollars kada bariles ang langis kaya ang presyo ng gasolina nasa 79.39 na habang ang diesel 73.76
Pero may projection na sa susunod na linggo maaring umabot sa 140 dollars per barrel ang langis kaya maaring pumalo sa 86.72 ang kada litro ng gasolina habang 81.10 ang diesel
Maari lang daw itong bumaba kung sususpindihin muna ang excise tax.
Maari lang daw mapababa kung sususpindihin muna ang excise tax .
Pero nanindigan ang DOF na hindi maaring suspindihin ang excise tax sa ngayon dahil malaking kita ang mawawala sa gobyerno.
May relief at support assistance naman raw ang gobyerno para sa lahat ng sektor na apektado ng krisis.
Meanne Corvera