Ayuda sa mga mahihirap itutuloy parin ng DSWD matapos bawiin ni PBBM ang EO 39
Hindi ititigil ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang pagbibigay ng cash assistance sa mga mahihirap na mamayan matapos bawiin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order 39 na nagtatakda ng price ceiling sa well milled rice at regular milled rice.
Ito tiniyak ni DSWD Secretary Rex Gatchalian para patuloy na may pambili ng pagkain ang nasa isang milyong poorest of the poor na benipesaryo ng sustainable livelihood program ng pamahalaan.
Kaugnay nito ikinatuwa din ng grupo ng mga rice retailers ang pagbawi ng pangulo sa EO 39.
Sinabi ni Ginoong Orly Manuntag Tagapagsalita ng Grain Retailers Confideration of the Philippines o GRECON na makikinabang ang mga maliliit na rice retailers dahil makakabawi sa pagbabalik ng standard na presyo ng bigas sa palengke.
Vic Somintac