Babae, hindi makontrol ang paghalakhak kapag may nakitang kinikiliti
Normal sa tao ang tumawa ng walang kontrol kapag kinikiliti, subalit kamakailan ay nag-ulat ang mga researchers sa University of California sa San Diego tungkol sa kakaibang kaso ng isang babae na bigla na lamang humahagalpak ng tawa kapag may nakitang ibang taong kinikiliti.
Nagsagawa ng isang serye ng eksperimento ang mga researchers, para tuklasin pa ang kakaibang kondisyon ng babae, at ang naging konklusyon nila ay mayroon itong kakaibang kondisyon na tinatawag na mirror-touch Synaesthesia.
Pinaniniwalaang dulot ito ng mirror neurons, ito ang mga connector sa utak na nagre-react sa paraang gaya ng nararanasan o nao-obserbahan ng isang tao.
Lumitaw sa serye ng pag-aaral na ginawa sa babaeng kilala lamang sa tawag na T.C. na mayroon siyang normal na sense of humor.
Subalit kapag nakakakita siya ng ibang taong kinikiliti ay hahagalpak na rin ito ng tawa na para bang siya ang kinikiliti.
Isina-suggest din ng naturang pag-aaral na nasa pagitan lamang ng 1.6% at 2.5% ng human population, ang nakaka-experience ng kaparehong uri ng mirror-touch synesthesia na gaya ng kay t.c., subali’t ang degree ng sensations ay malaki ang pagkakaiba.
============