Babae sa Spain, 13 taon nang nakatira sa isang Aseptic Glass cage

                                    photo credit: www.odditycentral.com

Dahil sa kaniyang sakit ay napilitang manirahan sa isang aseptic glass ang 50 anyos na si Juana sa loob ng 13 taon.

Ito ay matapos siyang ma-diagnose na mayroon siyang apat na Life-threatening conditions na kinabibilangan ng Multiple chemical sensitivity, Fibro-Myalgia, Chronic fatigue syndrome at Electro-sensitivity.

Dahil dito, walang choice si Juana kundi i-isolate ang kaniyang sarili sa loob ng 25-meter glass cage.

Sa nasabing glass cage, hindi siya maaaring lumabas doon at sinumang papasok sa kaniyang glass cage ay kailangan munang mag-shower ng chemical-free cleaning products at ang damit na suot ay dapat yari lamang sa organic cotton.

Hindi rin siya maaaring yakapin ng kaniyang mga mahal sa buhay kaya ang  dalawa niyang anak na may edad 26 at 29 ang pinapayagan lamang na yakapin siya dalawang beses sa isang taon, matapos ang ilang araw na preparasyon upang hindi malagay sa panganib ang buhay ng kanilang ina.

Ayon kay Juana, ang kaniyang chemical sensitivity ay nagsimula dalawampu’t siyam na taon na ang nakalilipas, at habang tumatagal ay lumalala ang kaniyang kondisyon.

Ang pwede lang niyang kainin ay organic produced foods, dalawang beses kada buwan ay pwede siyang kumain ng organic meat at apat hanggang limang beses naman siyang nakaka-kain ng isda.

Organic cotton clothes lang ang pwede niyang isuot, at gumagamit siya ng isang ceramic mask, na custom made mula pa sa Germany para makakuha siya ng oxygen, kapag kinakapos siya ng hininga.

 

================

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *