Babaeng Afghan na news anchor, pinagbawalan ng Taliban na magtrabaho
KABUL, Afghanistan (AFP) – Sa isang clip sa social media, suot ang isang hijab at habang ipinapakita ang kaniyang office card, sinabi ng kilalang news anchor na si Shabnam Dawran . . . “Our lives are under threat.”
Ayon kay Dawran, na anim na taon nang nagtatrabaho sa Afghanistan state-owned broadcaster na RTA, hindi siya pinayagan ng Taliban na makapasok sa kaniyang opisina.
Sa video clip ay sinabi pa ni Dawran . . . “I didn’t give up after the change of system and went to attend my office, but unluckily I was not allowed despite showing my office card. I was told that I couldn’t continue my duty because the system has been changed.”
Sa ilalim ng Taliban regime mula 1996-2001, hindi na pinayagang magkaroon ng public life ang mga kababaihan, ang mga batang babae ay hindi pinapasok sa paaralan, ipinagbawal ang entertainment at nagpataw ng marahas na parusa.
Ang mga babaeng journalists ay naging target din ng mga militante sa pamamagitan ng asasinasyon nitong nakalipas na mga buwan, bago nila tuluyang sinakop ang bansa.
Gayunman, matapos makuha ang kontrol sa ginawa nilang opensiba sa Kabul, sinabi ng Taliban na magkakaroon ng karapatan ang mga babae kabilang na sa edukasyon at trabaho, at ang media ay magiging malaya at nagsasarili.
May isang Taliban official pa na nagkaroon ng one-on-one interview sa isang babaeng joirnalist sa telebisyon, upang bigyan ito ng diin.
Isa sa nagbahagi ng footage ni Darwan ay si Miraqa Popal, editor sa Tolo News na isang 24-hour channel sa Afghanistan.
Agence France-Presse