Babaeng Canadian, arestado sa P48.6M halaga ng ilegal na droga sa NAIA
Inaresto ang isang babaeng Canadian matapos makuhanan ng shabu sa NAIA Terminal 1.
Nagmula ang suspek sa Mexico at dumating sa NAIA Terminal 1 mula Narita, Japan sa pamamagitan ng Japan Airline.
Una rito ay sumailalim sa check-in baggage ang suspek at mahigpit na screening kabilang ang x-ray scanning, K9 inspection, at physical examination na humantong sa pagkadiskubre ng 7,150 grams na shabu na may halagang P48,620,000 base na rin sa kumpirmasyon ng Philippine Drugs Enforcement Agency ( PDEA ).
Ang naarestong pasahero at nasamsam na iligal na droga ay isasailalim sa custodial investigation at sa inquest proceedings sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act ( CMTA).
Ang nasabing operasyon ay bahagi ng pinalakas na kampanya ng Bureau of Customs laban sa ilegal na droga, sa pakikipagtulungan ng PDEA at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ( NAIA-IADITG).
Virnalyn Amado