Babaeng tumutugtog ng flute habang sumasailalim sa Brain Surgery
Si Anna Henry, 63 year old ay nakuha pang tumugtog ng plauta habang siya ay nasa operating table at sumasa-ilalim sa isang Brain surgery procedure.
Ang nakamamanghang larawan at video ni Anna habang tumutugtog ng plauta ay i-shinare ng mga doktor ng Texas medical center.
Ayon sa kanila, si Anna ay sumailalim sa procedure na “deep brain stimulation” sa pag-asang magamot ang isang kondisyon na tinatawag na Essential tremor.
Ito ay sanhi ng panginginig ng mga kamay na dahilan para hindi na nya magawa ang ilang bagay gaya ng pagkain gamit ang kutsara at pagtugtog sa paborito niyang instrumento.
Sinabi ng mga doktor na kasama sa procedure, ang pag-i-implant ng maliliit na mga Electrodes sa utak ni Anna na magde-deliver ng isang constant electric current.
Anila, pinag-aaralan pa kung paano gagana ang naturang procedure, subalit natuklsang epektibo ito sa treatment ng mga sintomas ng kondisyon gaya ng Essential tremor at Parkinson’s disease.
Hinayaan ng mga Surgeons na dalhin ni Anna ang kaniyang plauta at patugtugin ito, habang isinasagawa nila ang procedure para malaman kung makatutulong nga sa kaniya ang electric current.
==============