Babala ng bagyo sa alinmang lugar sa bansa, inalis na matapos humina bilang LPA ang bagyong Crising
Nasa bisinidad na Piagapo, Lanao del Sur ang bagyong Crising na isa na ngayong Low Pressure Area (LPA).
Pero ayon sa Pag-Asa, kahit humina na bilang isang LPA, patuloy namang magdadala ito ng mga kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa buong bahagi ng Mindanao.
Kabilang sa mga lugar na makararanas ng mga paminsang may kalakasang pag-ulan ay ang Zamboanga Peninsula, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Davao del Sur, Cotabato, Maguindanao, Bukidnon, Lanao del Norte, Lanao del Sur, and Misamis Occidental, with the LPA estimated in the vicinity of Piagapo, Lanao del Sur.
Pinag-iingat ang mga nasabing lugar sa mga landslide at pagbaha.
Inalis na rin ang lahat ng babala ng Tropical cyclone wind signal.
Lalabas ang LPA patungo sa Sulu Sea at posibleng tumawid sa Palawan area kaya inaasahang magkakaroon ng kalat-kalat na pag-ulan sa nasabing lugar sa Linggo.
Samantala, sa Luzon at Visayas ay magpapatuloy ang pag-iral ng Easterlies kaya mainit na panahon pa rin ang mararanasan pero may mga tsans ang mga pag-ulan sa dakong hapon at gabi.