Babala tungkol sa kalidad ng hangin ipinalabas dahil sa wildfires sa Los Angeles

An aerial view shows Los Angeles skyline amidst the smoke following the Palisades Fire at the Pacific Palisades neighborhood in Los Angeles, California, U.S. January 10, 2025. REUTERS/Daniel Cole

Nagpalabas na ang mga opisyal ng mga alerto sa kalidad ng hangin, nagkansela ng klase ang mga paaralan at nagbabala ang mga siyentipiko tungkol sa mapanganib at nakamamatay na resulta ng usok mula sa wildfire.

Sinabi ni Dulce Perez, isang cook sa Teddy’s Cocina restaurant sa Pasadena, “It’s not breathable. We just try to stay indoors.”

Sa paligid ng pangalawang pinakamalaking lungsod ng Estados Unidos, ang mga residente ay nag-aalala tungkol sa hangin dulot ng abo, uling at usok na nagmumula sa apoy an tumupok na ng 10,000 mga istraktura.

Ayon sa panayam sa mga empleyado ng apat na business establishments, ubos na ang air purifiers sa ilan sa big-box stores, habang ilan sa mga residente ang naglagay ng tape sa kanilang mga bintana upang huwag pumasok ang usok sa kanilang tahanan.

Hinimok naman ng mga opisyal sa Los Angeles ang mga residente sa mga lugar na mausok, na manatili na lamang sa loob ng kanilang bahay.

An aerial view shows debris from burned properties, following the Palisades Fire at the Pacific Palisades neighborhood in Los Angeles, California, U.S. January 10, 2025. REUTERS/Daniel Cole

Bagama’t bahagya nang bumuti ang kondisyon nitong Biyernes, ay namalagi pa ring nakataas ang air quality alert hanggang gumabi dahil namamalagi pa rin ang mapanganib na “particulate matter” na humigit-kumulang apat na ulit sa World Health Organization guidelines.

Sa Pasadena Convention Center, na pansamantalang ginawang temporary shelter, ay namahagi ng N95 masks ang mga kawani mula sa global humanitarian organization ni Sean Penn na CORE.

Ayon kay Sunny Lee, emergency response programs manager, partikular na lantad sa masamang hangin ang mga taong walang tirahan o homeless.

Aniya, “There was no place for them to go inside, and so they were suffering even more outside with the poor air quality, without any kind of masks. So, we pushed out N95 to our partners that reached those communities. We’re distributing as many as we can.”

Pinalakas ng windstorm at pinadali ang pagsiklab at pagkalat dahil sa tuyong kapaligiran sanhi ng matagal na panahong walang bumuhos na ulan, ang wildfire ay nagsimula noong Martes at walang humpay na tumupok sa mahigit 13,760 ektarya o nasa 53 square miles (137 sq km). Naging abo ang mga bahay sa ilang bahagi ng Los Angeles.

An aerial view of Los Angeles amidst the smoke following the Palisades Fire at the Pacific Palisades neighborhood in Los Angeles, California, U.S. January 10, 2025. REUTERS/Daniel Cole

Ang wildfire smoke ay kadalasang nagdadala ng mga nakalalasong gas at particulate matter kaya mas nagiging nakalalason ang hangin kaysa normal na air pollution.

Ang wildfires ay hindi lamang sumusunog mga halaman, at mga puno, kundi pati na rin ng mga gusali, bahay at sasakyan na may plastick, metal, fuel at iba pang mga kemikal.

Iniuugnay ng mga pag-aaral sa wildfire smoke ang mataas na bilang ng heart attacks, strokes, at cardiac arrests maging ang paghina ng immune defenses.

Nagbabala naman ang environmental health scientists at mga doktor, na ang particulate matter ay may bantang panganib sa mga taong mayroong problema sa baga at puso, maging sa mga nakatatanda at mga bata.

Sinabi ni Carlos Gould, isang environmental health scientist sa the University of California San Diego, “The concentration of fine particulate matter in the Los Angeles area reached alarming levels between 40 and 100 micrograms per cubic meter earlier in the week before declining to around 20 on Friday.”

Ang maximum na rekomendado ng WHO ay 5 micrograms per cubic meter lamang.

Flames and smoke rise from structures as the Palisades fire burns during a windstorm on the west side of Los Angeles, California, U.S. January 8, 2025. REUTERS/Ringo Chiu

Ayon pa kay Gould, “The levels of wildfire smoke we’ve seen in LA these past few days imply between a 5-15% increase in daily mortality.”

Paliwanag naman nu Dr. Afif El-Hasan, isang tagapagsalita para sa American Lung Associatiom, “chemical byproducts from the fires, particularly those stemming from burned man-made materials, penetrate deeper into the lungs and can even enter the bloodstream.”

Dagdag pa niya, “If you’re working harder to breathe and your body is being challenged that way, it can also put a strain on the heart. And that’s why you see an increase in heart attacks.”

Babala naman ng mga eksperto, para sa ilang tao sa buong Los Angeles, hindi natatapos ang banta kapag ang sunog ay naapula na.

Ayon kay Justin Gillenwater, burn director sa Los Angeles General Medical Center, “Expected long-term health impacts from smoke inhalation among people with respiratory conditions and allergies. This is going to be something that we’re going to be looking into for not just weeks, but really years.”

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *