‘Bad Guys’ nanguna sa North American box office
Inanunsiyo ng BoxOfficeMojo.com na nanguna sa North America ang Awkwafina-Sam Rockwell animated adventure na The Bad Guys, kung saan kumita ito ng $24 million sa kaniyang weekend debut.
Ang “Bad Guys,” isang uri ng animal-eye version ng “Oceans 11,” ay kuwento ng adventures ng ‘clever gang of creatures.’ Produce ng DreamWorks Animation, ang pelikula ay kinatatampukan ng voice cast na kinabibilangan nina Sam Rockwell, Craig Robinson, Awkwafina, Marc Ramon, Anthony Ramos at Lily Singh.
Sa pangkalahatan, ito ay isang magandang weekend para sa mga pelikulang nakatuon sa pamilya na mas naapektuhan ng COVID-19 kumpara sa iba pang pelikula na ibang demographics ang target.
Ayon kay David A. Gross ng Franchise Entertainment Research . . . “Family moviegoing was certainly rocked by the pandemic, but families are returning now. We’re still far from pre-pandemic levels… but this is a good start.”
Samantala, nasa ikalawang puwesto ang Sonic the Hedgehog 2 na kumita ng $15.2 million, sinundan ng fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore sa No. 3 na may kitang $14 million, No. 4 naman ang The Northman na may kitang $12 million at ang The Unbearable Weight of Massive Talent sa No. 5 na may kitang $7.2 million.
Narito naman ang kukumpleto sa Top 10:
Everything All at Once – No. 6 ($5.4 million)
The Lost City – No. 7 ($4.4 million)
Father Stu – No. 8 ($3.3 million)
Morbius – No. 9 – ($2.3 million)
Ambulance – No. 10 ($1.8 million)
Ang Top 10 na pelikula ngayong weekend ay kumita ng humigit-kumulang $89.6 milyon, mas mababa kumpara sa box-office take noong nakaraang weekend na $118.3 milyon nang ang Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore ang nasa No.1 spot na kumita ng $46 milyon.