Bagong Airbus helicopter ng Philippine Coastguard, ibinida sa kanilang 119th founding anniversary
Mas pinalakas pa ng Philippine Coastguard ang kanilang aviation force na malaking tulong lalo na sa panahon ng kalamidad at mga search and rescue operations.
Kasabay ng pagdiriwang ng kanilang 119th founding anniversary, ibinida ng PCG ang kanilang bagong helicopter, ang AirBus H145.
Ang ikalawang airbus ng PCG na ito ay isang light twin-engine helicopter mula sa Germany na kaya umanong makagawa ng mga kritikal na misyon critical misyon gaya sa search and rescue, medical evacuation, maritime security operations at maritime law enforcement.
Ayon sa PCG malaking tulong din ang bagong aerial asset na ito lalo na at patuloy pa rin ang banta ng Covid-19.
Ang unang airbus ng PCG ay isa sa mga nagagamit sa pagbyahe ng mga protective equipments, medical supplies at iba pang gamot sa mga malalayong komunidad.
Naging malaking tulong din ang airbus helicopter na ito sa mga Maritime search and rescue.
Ayon kay PCG Commandant Admiral George V. Ursabia Jr., ngayong 2020 ay mas naipakita ng mga coast guard personnel ang kanilang abilidad at commitment sa public service.
Ang PCG ay kabilang sa mga ahensya ng gobyerno na aktibo sa frontline ngayong patuloy pa ang banta ng Covid-19.
Nitong nakaraang weekend una naring pinasinayaan ng PCG ang kanilang bagong isolation facility na inilaan para sa kanilang mga tauhan na nagpopositibo sa Covid-19.
Sa kabuuan umabot na sa 1,630 ang bilang ng COVID-19 infections ang naitala sa hanay ng mga tauhan ng PCG.
Pero ang 1,560 rito gumaling na mula sa virus….wala ring naitang nasawi sa kanilang hanay dahil sa Covid-19.
Madz Moratillo