Bagong Alert level sa NCR kontra COVID-19 malalaman sa weekend – Malakanyang
Nagpupulong ang Inter Agency Task Force o IATF upang pagpasiyahan kung maaari ng ilagay sa alert level 1ang National Capital Region o NCR sa pagpasok ng buwan ng Marso.
Pangunahing agenda sa meeting ng IATF ang rekomendasyon ng mga Metro Manila Mayors na humihiling na isailalim na sa Alert level 1 ang NCR.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na titimbanging mabuti ng IATF ang lahat ng mga indicators sa gagawing de-escalation ng alert level sa Metro Manila mula Alert level 2 patungong Alert level 1.
Ayon kay Nograles kung pagbabatayan ang report ng mga health experts ng Department of Health o DOH patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID- 19 sa Metro Manila ganun din ang health care utilization maging ang daily attack rate ng corona virus.
Inihayag ni Nograles pasok narin ang Metro Manila sa criteria ng IATF sa alert level 1 dahil umabot na sa 100 percent ang fully vaccinated na target population kontra COVID-19.
Niliwanag ni Nograles kung isasailalim na sa alert level 1 ang Metro Manila oobligahin ng IATF ang mga local government units o LGUS na mahigpit na ipatupad ang standard health protocol na mask hugas iwas.
Vic Somintac