Bagong animal disease diagnostic laboratory na ipinagkaloob ng US, pinasinayaan sa Tarlac City
Pormal nang pinasinayaan ang bagong Animal Biosafety laboratory sa Tarlac City.
Ang bagong gawang Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory (RADDL) ay donasyon ng Estados Unidos sa Department of Agriculture sa pamamagitan ng Defense Threat Reduction Agency (DTRA).
Ayon sa US Embassy, magsasagawa ang laboratoryo ng mga surveillance at testing sa mga local agricultural samples mula sa Region III.
Sa pamamagitan daw ng proactive approach sa pag-diagnose ng sakit ng mga hayop ay lalakas ang kapasidad ng Pilipinas na i-monitor at pigilin ang pagkalat ng mga mapinsalang virus at pathogens na nakaaapekto sa sektor ng agrikultura gaya ng African Swine Fever ar Avian Flu Disease.
Umaabot na sa 25 million US dollars ang pondong ipinagkaloob ng Biological Threat Reduction Program ng DTRA mula 2016 para sa konstruksyon ng mga laboratoryo sa Pilipinas at pagsasagawa ng mga trainings sa Biorisk management.
Moira Encina