Bagong BOC Commissioner Isidro Lapena, inaming talamak ang lagayan sa Customs
Inamin ng mga opisyal ng Bureau of Customs na matindi ang lagayan o tara system sa ahensya dahilan kaya nakalusot ang 6.4 billion na halaga ng shabu.
Sa pagharap ni Customs Commissioner Isidro Lapena, sa imbestigasyon ng Senado sa pagkakapuslit ng 605 kilos ng shabu, kinumpirma nito na ginagawa ang tara system para mapabilis ang paglabas ng shipment at kargamento ng ilang mga negosyante.
Regular itong ginagawa para mapabilis ang mga transaksyon at makaiwas ang mga kargamento sa red lane.
Sa red lane idinadaan ang mga kwestyonableng kargamento dahil kailangan itong sumailalim sax ray at physical examnination.
Bago makalusot ang mga kargamento, dadaan muna sa risk management office, sa district collector at assessment office na ayon kay Lacson ay kabilang sa mga tanggapan sa Customs na tumatanggap ng lagay.
Pero wala siyang ebidensya sa mga tumatanggap ng lagay at sa pitong taon niya raw sa Customs, hindi pa siya nakatanggap ng tara at idinawit lang siya ng broker fixer na si Mark Ruben Taguba.
Inupakan din ito ng Senado matapos idawit ang kaniyang anak sa umano’y smuggling ng semento.
Samantala, no show pa rin si Faeldon sa imbestigasyon ng Senado.
Sa kaniyang sulat iginiit ni Faeldon na wala na siyang tiwala sa impartiality ng ilang miyembro nito at haharap lang siya kung kakasuhan siya at magkakaroon ng paglilitis sa Korte.
Ulat ni: Mean Corvera