Bagong border restrictions, inanunsyo ng Mexico
MEXICO CITY, Mexico (AFP) – Inanunsyo ng Mexico ang restrictions sa non-essential crossings sa border nila sa Guatemala, upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Pinalawig din ng gobyerno ang pagsasara ng kanilang northern border sa United States, sa lahat maliban sa essential land traffic bilang tugon sa pandemyang ikinamatay na ng higit 196,000 katao sa Mexico.
Sa tweet ng foreign ministry ng Mexico, nakasaad na . . . “To prevent the spread of Covid-19… restrictions will be imposed on land transit for non-essential activities on the northern and southern border.”
Magsisimula ang restriksyon ngayong Biyernes at mananatili hanggang sa April 21.
Ang Mexican-US border ay isinara sa non-essential land traffic, gaya ng astourists at occasional visitors sa nakalipas na taon, ngunit ito ang unang pagkakataon na ang hakbang ay ipinatupad sa kanilang border sa Guatemala.
Simula naman noong 2019 , ang National Guard ay nagpapatrulya na sa southern border ng Mexico para pigilan ang migrant caravans na makatawid.
Ang bagong border restrictions ay nataon din sa pagdami ng mga dumarating na migrants, na karamihan ay Central Americans, na patungo sa Estados Unidos para takasan ang karahasan at kahirapan sa kani-kanilang mga bansa.
© Agence France-Presse