Bagong countering violent extremism program, inilunsad ng US Embassy sa Cotabato
Naglunsad ng bagong programa ang US Embassy para labanan ang terorismo sa bansa.
Pinangunahan ni US Embassy Deputy Chief of Mission John Law ang paglulunsad ng converge program sa Cotabato.
Ang Converge ay partnership sa mga LGUs at mga Civil Societies groups na layuning palakasin ang community resilience laban sa radikalisasyon at violent extremism sa bansa.
Nakipagkita rin si Law sa mga opisyal ng BARMM para talakayin ang isang bilyong pisong suporta ng US sa Bangsamoro Transitional Authority.
Muli ring tiniyak ni Law ang suporta ng US sa demokrasya at kalusugan sa Bangsamoro.
Ayon sa US Embassy, may dalawang on-going na proyekto ang US Agency for International Development o USAid para sa kalusugan ng mga ina at mga anak at para sa bangsamoro transitional authority.
Ulat ni Moira Encina