Bagong COVID-19 cases sa NCR, tumaas ng 19%
Tumaas ng labing-siyam na porsiento ang daily average na bagong kaso ng COVID-19 sa Metro manila nitong Mayo 13 hanggang 19.
Ito ay kung ikukumpara sa lumitaw na bagong kaso mula Mayo 6 hanggang Mayo 12.
Ayon kay Dr. Guido David ng Octa research ang one week Average Daily Attack Rate o ADAR ay tumaas din mula sa zero point 42 percent ay umangat sa 0.50.
Aniya, maging ang reproduction number ay umangat sa 1.90 na nasa moderate level mula sa low level na 0.76.
Sa kabila nito ay namalagi naman sa low risk category ang kabuuan ng Metro manila.
Kahapon sa 195 ang kaso na napadagdag sa buong bansa ay 75 ang galing sa National Capital Region.
17 rito ay sa Quezon city, 10 sa Maynila at tig-8 sa Caloocan city, Parañaque city at Pasay city.