Bagong curfew sa NCR: 8:00PM – 5:00AM
Pinagtibay ng mga alkalde sa Metro Manila na magpatupad ng bagong unified curfew hours kasabay ng pagsasailalim sa National Capital Region at mga kalapit lalawigan sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, napagkasunduan ng mga alkalde na magpatupad ng bagong unified curfew hours mula 8:00PM hanggang 5:00AM simula ngayong Lunes, Abril 12, 2021 hanggang sa pagtatapos ng MECQ sa Abril 30, 2021.
Mananatili namang exempted sa curfew hours ang Authorized Persons Outside Residence (APOR).
Ipinaliwanag ni Abalos na sa ilalim ng bagong patakarang pinagtibay ng IATF, ang mga alkalde ay may kapangyarihang baguhin ang curfew hours sa National Capital Region.