Bagong DA Secretary suportado ng kinatawan ng mga magsasaka sa Kongreso
Mainit na tinanggap ng kinatawan ng mga magsasaka sa Kongreso ang pagkakatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Francisco Tiu Laurel Jr. bilang bagong Secretary ng Department of Agriculture o DA.
Sinabi ni Agri Partylist Representative Wilbert lLee na handa silang makipagtulungan kay Secretary Laurel para tugunan ang hinaing ng mga magsasaka at mangingisda.
Umaasa ang Kongresista na ipagpapatuloy ni Laurel ang mga programang nasimulan ni PBBM sa DA dahil sa kuwalipikasyon ng bagong kalihim ng kagawaran ng agrikultura lalo na ang may kinalaman sa food security.
Kaugnay nito ikinatuwa din ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon ang pagkakatalaga ng Pangulo kay Secretary Laurel.
Ayon kay Gadon malaki ang maitutulong ni Laurel sa sektor ng agrikultura upang malunasan ang kagutuman at kahirapan sa bansa.
Vic Somintac