Bagong Deputy Ombudsman for Luzon, itinalaga ni Pangulong Duterte
Mayroon nang napili si Pangulong Rodrigo Duterte na bagong Deputy Ombudsman for Luzon.
Sa transmittal leter ng Malacañang sa Korte Suprema, itinalaga ng Pangulo si dating Deputy Special Prosecutor Cornelio Lopez Somido sa nasabing puwesto.
Pinalitan ni Somido si dating Deputy Ombudsman for Luzon Gerard Mosquera na bumaba sa puwesto noong Hunyo.
Si Somido ay bahagi nga unang Panel of Prosecutors na nag-imbestiga sa kasong plunder laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Inirekomenda nila Somido na mabasura ang kaso laban kay Arroyo dahil sa kawalan ng Probable cause pero ito ay isinantabi ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Ulat ni Moira Encina