Bagong DOH, DND heads nanumpa na
Nanumpa na sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga bagong talagang kalihim ng Department of Defense (DND) at Department of Health (DOH).
Kasama nina Defense Secretary Gilbert ‘Gibo’ Teodoro at Health Secretary Ted Herbosa ang kani-kanilang pamilya.
Sa seremonya, ipinarating ni Pangulong Marcos ang kaniyang kumpiyansa sa dalawang opisyal.
Ipinanawagan din niya sa dalawang opisyal ang panawagan na maki-isa ang DOH at DND sa mga layunin ng administrasyon para masiguro ang kalusugan at seguridad ng bawat Pilipino.
Samantala, welcome naman sa DND family ang appointment ni Teodoro bilang bagong kalihim ng kagawaran.
Sa statement sinabi ni Senior Defense Undersecretary at Officer-in-Charge Carlito Galvez Jr. ipinarating din nito ang kaniyang buong suporta sa DND para sa pagtataguyod ng vison para sa payapa, matatag at masaganang Pilipinas.
Nagpasalamat din siya kay Pangulong Marcos sa pagtitiwalang ibinigay sa kaniya sa ilang buwang panunungkulan sa kagawaran.
“I would like to express my deepest gratitude to the President and Commander-in-Chief, His Excellency Ferdinand Marcos Jr., for entrusting me to lead the Department of defense over the last few months,” pahayag ni Galvez sa isang statement.
“I also thank the entire One Defense Team, including the Armed Forces of the Philippines (AFP) and our civilian bureaus, for their support during my tenure as the Officer-in-Charge of the Department,” dagdag pa ni Galvez.
Kinilala ni Galvez ang maraming tagumpay sa mga priority programs sa internal security, territorial defense, disaster preparedness, at ang patuloy na pagpapa-unlad sa defense organization.
Samantala, malugod ding tinanggap ng DOH family ang pagtatalaga kay Herbosa sa Kagawaran.
Sa statement sinabi ni Health Officer-in-Charge Ma. Rosario Vergeire na committed ang DOH na magkaloob ng buong suporta sa panahon ng transition.
“Maasahan po n gating bagong kalihim, Secretary Ted, ang taos-pusong suporta ng buong DOH family,” pahayag ni Vergeire.
Maging ang OCTA Research Group ay nagsabing malugod na tinatanggap ang appointment ni Herbosa sa DOH.
“OCTA is elated that an appointment for DOH has been made. We believe Dr. Ted Herbosa is an excellent choice,” pahayag ni Dr. Ranjit Rye, fellow sa OCTA Research.
Nakahanda aniya ang OCTA na suportahan ang DOH, si Dr. Herbosa at si Pangulong Marcos sa kanilang paghahangad na maisakatuparan ang universal health para sa lahat ng Filipino.
Weng dela Fuente