Bagong Food technologies ng DOST-ITDI, may malaking maitutulong sa paglago ng Food industry sa bansa
Pitong bagong Food technology ang idinevelop ng Industrial Technology Development Institute o ITDI ng Department of Science and Technology o DOST para magamit ng sektor ng mga private food industry sa bansa.
Kabilang dito ang Cacao roaster design, Cacao tablea processing, Food colorant, Coconut milk production, ready to eat Arrozcaldo, alternative sugar mula sa “nipa” sap at aroma loss packaging technology para sa frozen durian.
Ayon naman kay Mr. Marlo Asis ng Alliance for Science Philippines, malaki ang maitutulong ng Spray dryer technology sa mga kababayan nating nasa Food industry.
Isa daw sa pinaggagamitan ng spray dryer technology ay sa egg white na maaaring gawing powder.—tinatawag na powder egg white.
Marami daw na advantages ang naturang teknolohiya.
Mr. Marlo Asis, Alliance for Science, Philippines
“Unang una, matagal ito bago masira, kahit isang taon, matagal ito bago ma expired, malaking benefit nyan di ba? Pangalawa, convenient ito, o kaya ay madaling gamitin, pangatlong advantage niya ay hindi na ito kailangang palamigin o ilagay sa ref., at lastly, madali ito, i biyahe i handle.
Binigyang diin naman ng DOST-ITDI na ang mga food technologies na kanilang idinedevelop ay naglalayong nmakatulong sa pag unlad ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng mga kababayan nating ang negosyo ay nauukol sa pagkain”.
Ulat ni Belle Surara