Bagong gawang boat facility sa Ternate, Cavite, nai-turnover na ng US sa Philippine Marine Corps

Pormal nang ibinigay ng US Embassy sa Philippine Marine Corps ang bagong gawang assault boat pier at maintenance bay facility sa Ternate, Cavite.

Ang pasilidad ay isa sa tatlong Foreign Military Financing (FMF) construction projects na nagkakahalaga ng kabuuang Php256.9 million ($5 million).

Pinangunahan ni U.S. Embassy in the Philippines Chargé d’Affaires ad interim Heather Variava at Philippine Marine Corps Deputy Commandant Brig. Gen. Raul Jesus Caldez ang turnover ng boat facility.

Courtesy: US Embassy

Ang mga istruktura ay kinabibilangan ng boat ramp, jetty with landing pad, pier, access road, at maintenance bay.  

Ang Assault Boat Battalion at iba pang tenant commands na matatagpuan din sa Marine Base Gregorio Lim ang pangunahin na gagamit ng pasilidad.

Courtesy: US Embassy

Ang misyon ng boat battalions ay magsagawa ng sea-to-shore amphibious operations at maritime interdiction boardings sa karagatan.
 
Sa datos ng US Embassy, umaabot na sa $110 million (Php5.65 billion) grant assistance ang naipagkaloob ng Amerilka sa pamamagitan ng FMF sa nakalipas na dalawang taon.

Moira Encina

Please follow and like us: