Bagong government center sa Basilan, natapos na ng DPWH
Natapos na ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang konstruksyon ng bagong government building sa lalawigan ng Basilan sa Western Mindanao.
Ang Basilan Government Center na nagkakahalaga ng 234 million pesos ay itinayo sa 10 ektaryang lote sa Brgy. Santa Clara, Lamitan City, Basilan.
Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, magsisilbing one-stop-shop center ang bagong gusali sa Basilan na magpapahusay sa pagbibigay ng serbisyo ng lokal na pamahalaan sa mga mamamayan.
Maari din anyang ma-accomodate ng Basilan Government Center ang mga provincial offices ng iba-ibang ahensya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Nakatakdang pasinayaan ang bagong gusali bago matapos ang buwan ng Marso.
Ulat ni Moira Encina
Ul