Bagong guidelines para sa ipapatupad na GCQ inilabas na ng Laguna Provincial Gov’t.
Kasabay ng pagpapatupad ng GCQ sa laguna province simula bukas, Mayo 15, inilabas na rin ng provincial gov’t ng laguna ang mga bagong guidelines nito na ipatutupad at dapat sundin ng publiko.
Ayon kay Laguna governor Ramil Hernandez, tanging essential travel na papasok at palabas ng NCR Plus areas ang pinapayagan.
Mananatiling operational ang public transportation sa lalawigan at dapat na masunod kasalukuyang kapasidad at protocols na ipinapatupad ng Department of Transportation ukol dito.
Sinabi pa ng gobernador na pinapayagan na nito ang mga religious gatherings at iba pang mga kahalintulad na pagtitipon ay pinapayagan na muli basta masusunod ang 10% venue capacity nito.
Gayundin, papayagan na simula bukas ang mga indoor dine-in services basta’t 20% venue or seating capacity ang dapat na maipatupad, habang 50% venue or seating capacity ang para sa mga outdoor venues.
Papayagan na rin simula bukas ang mga personal care services at maaari na itong mag-operate in 30% capacity.
Papayagan na rin sa lalawigan na lumabas ang mga indibidwal na mga edad 18 years old hanggang 65 years old basta kailangan lamang magsusuot ng faceshield at facemask.
Samantala, lahat naman ng uri ng mga entertainment and recreational venues kasama na ang mga amusement park, sinehan, mga playground, mga bar, internet cafe, at mga katulad nito ay mahigpit pa ring ipinagbabawal sa laguna province.
Nananatili naman ang paalala ng gobernador sa publiko na mag-ingat at pangalagaan ang mga sarili at pamilya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga health and safety standards.