Bagong gusali ng OWWA sa Pampanga, pinasinayaan
Pinangunahan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III ang inagurasyon ng bagong Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)-Regional Welfare Office 3 building noong November 4.
Ginanap ito sa Diosdado Macapagal Government Center sa Maimpis, San Fernando City, Pampanga.
Dumalo sa ribbon cutting ceremony sina Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Atty. Bernard Olalia, DOLE Undersecretary Atty. Benjo Santos Benavidez, at OWWA Regional Welfare Office 3 Director Atty. Falcon Millar.
Sumaksi rin sa isinagawang pagpapasinaya sina OWWA Administrator Atty. Hans Leo Cacdac, Pampanga Governor Dennis Pineda, DOLE Undersecretary Renato Ebarle, OWWA Deputy Administrator Arnel Ignacio at DOLE Undersecretary Atty. Ana Dione.
Samantala, magkakaloob ng emergency employment ang DOLE sa 1,300 displaced women workers sa Pampanga.
Ang beneficiries ay magtatrabaho sa loob ng 15 araw at tatanggap ng suweldo na nagkakahalaga ng P6,300 sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers oTUPAD, na flagship program ng departamento.
Nitong Huwebes ay nakipagpulong si Bello sa mga benepisyaryo na binubuo ng mga maybahay na tinawag na “Nanay Community Workers,” sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando City.
Ayon kay governor Pineda, ang ‘Nanay Community Workers’ ay mula sa iba’t-ibang mga barangay sa buong lalawigan, at pawang mga boluntaryo ng local government units para sa mabilis na information dissimination and response sa mga isyu na may kinakalaman sa kalusugan, kapayapaan at kaayusan, natural disaster, at edukasyon.