Bagong Hall of Justice ng San Juan City, malapit nang matapos
Malapit nang matapos ang bagong Hall of Justice ang lungsod ng San Juan.
Ayon kay Public Works Secretary Mark Villar, 75 porsyento ng kumpleto ang itinatayong four storey Justice Hall ng San Juan sa Pinaglabanan Road sa Barangay Corazon de Jesus.
Bahagi ito ng Hall of Justice Building Project ng DPWH.
Walong bagong court rooms ang itinatayo ng DPWH para matugunan ang kakulangan ng court rooms na humahawak sa mga litigation cases.
May lawak ang Justice Hall na 6,000-square meter.
Mayroon itong air-conditioned court rooms na may kaukulang office staff rooms at judge chamber rooms, parole and probation rooms, sheriff’s office, clerk of court office, office spaces, at roof deck with open area.
Magkakaroon din ito ng CCTV facilities at isang elevator unit at parking areas at storm drainage facilities.
Ulat ni Moira Encina