Bagong liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso, pinasalamatan ng malacañang sa pag-usad ng tatlong araw na Special Session para sa national budget
Ikinatuwa ng malacañang ang maayos na pag-usad ng tatlong araw na special session na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte para pagtibayin ang 2021 national budget na nagkakahalaga ng 4.5 Trilyong piso sa ilalim ng liderato ni bagong talagang Speaker Lord Allan Velasco.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, isa lang naman ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mangyari ang mapagtibay ang 2021 national budget dahil kailangan ito ng pamahalaan sa pagtugon sa patuloy na pagharap sa epekto ng pandemya ng covid 19.
Ayon kay Roque ,anumang nangyayaring pagkilos at re-organization sa loob ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ay walang pakialam ang malacañang dahil ito ay panloob na usapin sa sangay lehislatura na hindi pinanghihimasukan ng ehikutibo sa ilalim ng doctrine of separation of power at inter department courtesy.
Ginawa ng Palasyo ang pahayag dahil sa pagkakahirang ng mga mambabatas kay presidential son Congressman Paolo Duterte bilang bagong Chairman ng makapangyarihang House Committee on Accounts.
Vic Somintac