Bagong Manila City Library muling binuksan sa publiko

Binuksan na muli sa publiko ang bagong Manila City Library.


Ang bagong library mas pinaganda para daw mahikayat ang mga kabataan na magtungo rito. 


Pinangunahan naman ni Manila Mayor Isko Moreno ang paglulunsad ng Manila City Library na nasa Taft Avenue sa Ermita.


Ayon kay Mayor Isko, nagdonate ng 1 milyong pisong halaga ng mga libro ang St. Mary’s Publication sa Manila LGU na inaasahang magiging kapaki-pakinabang gaya sa mga kabataan at kahit sa mga nakatatanda.


Ayon sa alkalde, sa kabila ng makabagong teknolohiya ay naman hindi maaaring isantabi ang kahalagahan ng mga silid-aklatan. 


Pero aminado si Mayor Isko na kailangan ding makipag-sabayan sa teknolohiya, dahil sa limitado pa rin ang galawan sa kasalukuyan dahil sa sitwasyon dulot ng COVID-19. 


Kaugnay nito, inilunsad rin ang Manila Information Reference Onlince Service.


Ito ay isang virtual reference assistance na layong matulungan ang publiko sa kanilang mga kailangang impormasyon sa gitna ng nagpapatuloy pang banta ng COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: