Bagong mpox strain mabilis ang pagbabago
Inihayag ng mga siyentipikong nagsasagawa ng pag-aaral sa bagong mpox strain na kumalat sa Democratic Republic of Congo ang nagsabing ang virus ay mas mabilis na nagbabago kaysa inaasahan, at malimit ay sa mga lugar kung saan ang mga eksperto ay kulang ng pondo at kagamitan upang matunton ito ng maayos.
Nangangahulugan iyon ayon sa anim na mga siyentipiko sa Africa, Europe at Estados Unidos, na maraming hindi alam tungkol sa virus mismo, ang kalubhaan nito at kung paano ito naisasalin, na nagpapahirap upang ito ay tugunan.
Ang Mpox, na dating kilala bilang monkeypox, ay isang pampublikong problema sa kalusugan sa mga bahagi ng Africa mula noong 1970, ngunit nakatanggap ng kaunting pansin sa buong mundo hanggang sa magkaroon ng “surge” sa buong mundo noong 2022, na nag-udyok sa World Health Organization na magdeklara ng isang pandaigdigang emerhensiyang pangkalusugan, ngunit natapos ang deklarasyong iyon makalipas ang 10 buwan.
Isang bagong strain ng virus, na kilala bilang clade Ib, ang muling nakakuha ng atensyon ng mundo pagkatapos magdeklara ng bagong health emergency ang WHO.
Ang strain ay isang mutated version ng clade I, isang uri ng mpox na kumakalat sa pamamagitan ng contact sa mga infected na hayop na naging endemic sa Congo sa loob ng mga dekada. Ang mpox ay karaniwang nagdudulot ng mga sintomas na tulad ng trangkaso at mga sugat na puno ng nana at maaaring makamatay.
Ang Congo ay nagkaroon ng higit sa 18,000 hinihinalang kaso ng clade I at clade Ib mpox at 615 na pagkamatay ngayong taon, ayon sa WHO. Mayroon ding 222 na kumpirmadong kaso ng clade Ib sa apat na bansa sa Africa noong nakaraang buwan, kasama ang tig-isang kaso sa Sweden at Thailand sa mga taong may history ng paglalakbay sa Africa.
Sinabi ni Dr. Dimie Ogoina, isang infectious diseases expert sa Niger Delta University Hospital sa Nigeria na chairman ng mpox emergency committee ng WHO, “I worry that in Africa, we are working blindly.”
Una niyang itinaas ang alarma tungkol sa potensiyal na sexual transmission ng mpox noong 2017, na ngayon ay tinatanggap na bilang paraan upang maikalat ang virus.
Aniya, “We don’t understand our outbreak very well, and if we don’t understand our outbreak very well we will have difficulty addressing the problem in terms of transmission dynamics, the severity of the disease, risk factors of the disease. And I worry about the fact that the virus seems to be mutating and producing new strains.”
Sinabi pa niya, “It took clade IIb in Nigeria five years or more to evolve enough for sustained spread among humans, sparking the 2022 global outbreak. Clade Ib has done the same thing in less than a year.”
Ang mpox ay isang orthopoxvirus, ang parehong pamilya na nagdudulot ng bulutong. Ang proteksyon sa buong populasyon mula sa isang pandaigdigang kampanya ng bakuna 50 taon na ang nakararaan ay humina, dahil ang pagbabakuna ay huminto nang mawala na ang sakit.
Ang genetic sequencing ng mga impeksyon sa clade Ib, na tinatantya ng WHO na lumitaw sa kalagitnaan ng Setyembre 2023, ay nagpapakita na mayroon silang mutation na kilala bilang APOBEC3, isang ‘signature of adaptation’ sa mga tao.
Sinabi ni Dr. Miguel Paredes, na nag-aaral ng evolution ng mpox at iba pang mga virus sa Fred Hutchison Cancer Center sa Seattle, na ang virus na nagdudulot ng mpox ay karaniwang medyo stable at mabagal na mag-mutate, ngunit ang APOBEC-driven mutations ay maaaring mapabilis ang viral evolution.
Aniya, “All the human-to-human cases of mpox have this APOBEC signature of mutations, which means that it’s mutating a little bit more rapidly than we would expect.”
Sinabi ni Paredes at ng iba pang mga siyentipiko na ang isang tugon ay nagiging kumplikado sa pamamagitan ng ilang mpox outbreak na nangyayari nang sabay-sabay.
Sinabi pa ng mga siyentipiko, na sa mga nakaraan, ang mpox ay kadalasang nakukuha sa pamamagitan ng contact ng tao sa mga infected na hayop. Ito ay nagtutulak pa rin ng pagtaas sa mga kaso ng clade I sa Congo – na kilala rin bilang clade Ia – na malamang na ilan sa sanhi ay ang deforestation at pagtaas ng pagkonsumo ng bushmeat.
Sinabi ni Dr. Salim Abdool Karim, isang South African epidemiologist at chairman ng mpox advisory committee ng Africa CDC, “The mutated versions, clade Ib and IIb, can now essentially be considered a sexually transmitted disease. Most of the mutated clade Ib cases are among adults, driven at first by an epidemic among female sex workers in South Kivu, Congo.”
Ang virus ay maaari ring kumalat sa pamamagitan ng close contact sa infected person, na malamang na dahilan ng kung paanong ang mga grupo ng mga bata ay nahawahan ng clade Ib, lalo na sa Burundi at sa mga kampo ng displacement sa silangang Congo, kung saan maaari ring nakaambag ang ‘crowded living condition.’
Ayon sa WHO, “Children, pregnant women and people with weakened immune systems may be at greater risk of serious mpox disease and death.”
Ang Clade I ay karaniwang nagdudulot ng mas matinding sakit, na may mga rate ng pagkamatay na 4%-11%, kumpara sa humigit-kumulang 1% para sa clade II.
Sinabi ni Ogoina na ang data mula sa Congo ay nagmumungkahi na kakaunti ang namatay sa bagong bersyon ng Ib, ngunit nangangamba siya na ang ilang data ay nagkapalit-palit.
Nangangailangan ng higit pang pananaliksik, ngunit tatlong team na sumusubaybay sa mpox outbreaks sa Africa ang nagsasabing ni hindi nila ma-access ang mga kinakailangang kemikal para sa diagnostic tests.
Dagdag pa ng mga siyentipiko, “Planning a response, including vaccination strategies, without this is difficult.”
Ayon kay Karim, “Around half of cases in eastern Congo, where Ib is particularly prevalent, are only being diagnosed by doctors, with no laboratory confirmation.”
Aniya, “Getting samples to labs is difficult because the healthcare system is already under pressure. And around 750,000 people have been displaced amid fighting between the M23 rebel group and the government.”
Sabi naman ni Dr. Emmanuel Nakoune, isang mpox expert sa Institut Pasteur sa Bangui, Central African Republic na mayroon ding mga kaso ng clade Ia, “Many African laboratories cannot get the supplies they need. This is not a luxury, but necessary to track deadly outbreaks.”