Bagong mukha ng Boracay, asahan na sa muling pagbubukas sa Oct. 26
Asahan na ang bagong mukha ng Boracay sa muling pagbubukas nito sa Biyernes, Oktubre 26.
Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Jonas Leones, malaking pagbabago ang matutunghayan pagpasok pa lamang sa isla.
Isa dito ay ang pagbabawal nang pumasok at pagpaparada sa isla ang mga malalaking sasakyan upang maiwasan ang pagsisikip at sa halip ay naglaan sila ng lugar para sa parking.
Naglaan rin sila ng malawak na daanan para sa bicycle at walk lane.
Tiniyak rin ni Leones na iisa na lamang ang magiging daungan ng mga ferry na magmumula sa kalibo patungong Boracay upang mamonitor ang pagdating at dami ng mga turista.
Pero nilinaw ng DENR official na suspendido muna ang mga water sports activities gaya ng jet skiing, banana boat ride at iba pa dahil tinitingnan pa nila sa ngayon ang kalagayan ng biodiversity sa ilalim ng tubig at para na rin sa kaligtasan ng mga naliligo.