Bagong NFA Council, binuo ni Pangulong Duterte
Matapos buwagin ang orihinal na National Food Authority o NFA Council muli itong binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang bagong NFA Council ay binubuo na ngayon ng Office of the President, Department of Agriculture, National Food Authority o NFA Department of Finance at Department of Social Welfare and Development.
Itinalaga naman ni Pangulong Duterte si Agriculture Undersecretary Berna Romulo Puyat bilang in charge sa rice importation.
Ibinalik naman ng Pangulo sa kontrol ng Department of Agriculture ang Philippine Coconut Authority o Philcoa at National Irrigation Authority o NIA.
Magugunitang nagalit ang Pangulo sa NFA Council na pinamumunuan noon ni Secretary to the Cabinet Leoncio Ibasco dahil sa hindi pagkakaintintihan kay NFA Administrator Jason Aquino dahil sa isyu ng rice importation na nagresulta sa pagkakasaid ng buffer stock ng NFA rice.