Bagong Ombudsman Samuel Martires, nanumpa sa puwesto

Nanumpa na sa puwesto si bagong Ombudsman Samuel Martires.

Si acting Chief Justice Antonio Carpio ang nagpanumpa kay Martires bilang Ombudsman.

Sumaksi sa panunumpa ni Martires ang kanyang maybahay na si Cecilia.

Isinagawa ang oathtaking ni Martires sa Supreme Court en banc Session Hall na dinaluhan din ng mga dati at kasalukuyang mahistrado ng Korte Suprema at ng ilang opisyal at kawani ng Kataas-taasang Hukuman.

Inihayag ni Martires na nakatakda siyang magpalabas ng ilang mga office orders sa kanyang pagsisimula sa pwesto.

Kaugnay naman sa pagsibak ng Malacañang kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.

sinabi ni Martires na immediately executory ang kautusan ng Palasyo kaya dapat umalis na sa pwesto si Carandang.

Ayon kay Martires, maari pa namang iapela ni Carandang sa Office of the President ang dismissal order laban dito o kaya ay iakyat ito sa Court of Appeals o Korte Suprema.

Pero hanggat walang pasya sa mga ihahain nitong apela ay dapat na sundin ni Carandang ang kautusan ng Palasyo na nagtatangal dito sa pwesto.

Tumanggi naman si Martires na magkomento kapag ipinilit ni Carandang na walang kapangyarihan ang Malacañang na siya ay sibakin sa posisyon.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *