Bagong pasilidad ng East Avenue Medical center para sa Covid-19 patients, pinasinayaan
Pinasinayaan ang bagong pasilidad ng East Avenue Medical center (EAMC) na inilaan para sa Covid-19 patients.
Ayon sa pangasiwaan ng EAMC, ang bagong treatment facility ay tatawaging Center for Emerging and Re-emerging Infectious diseases o CERID.
Ang pasilidad ay may sariling Emergency room, dalawang Intensive Care units, Operating room at Support services na siyang mangangalaga sa mga Covid patients.
Mayroon itong 250 isolation beds, 19 Covid wards at 30 beds para sa ICU.
Samantala, aminado ang pangasiwaan ng nabanggit na ospital na kulang ang kanilang manpower, ngunit buong pagsisikap nilang maasikaso at matulungan ang mga Covid patients na dadalhin sa nasabing pasilidad.
Nanawagan pa ang pagamutan sa mga kamag-anak ng Covid patients na kung aymptomatic at mild cases ay sa mga Quarantine facilities ng gobyerno dalhin para mas maasikaso nilang lubos ang mga severe at critical Covid 19 patients.
Ulat ni Belle Surara