Bagong Prosecutor General, itinalaga ni PBBM

Courtesy: DOJ

Nagtalaga na ng bagong Prosecutor General ng National Prosecution Service (NPS) ng Department of Justice (DOJ) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ay si Richard Anthony Fadullon na nagsilbing Senior Deputy State Prosecutor sa loob ng maraming taon.

Ayon sa DOJ, isang seasoned prosecutor si Fadullon na nagsilbi sa kagawaran sa loob ng 30 taon at nagsimula bilang Prosecutor II noong 1994.

Nagtapos ng abogasya si Fadullon sa San Beda College noong 1987.

Pinalitan ni Fadullon si dating Prosecutor General Benedicto Malcontento na nagbitiw sa puwesto noong Oktubre.

Buo naman ang kumpiyansa ni Justice Secretary Crispin Remulla sa kakayahan ni Fadullon sa posisyon.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *