Bagong quarantine classification sa iba’t-ibang lugar sa bansa, pinagtibay ni PRRD; NCR, inilagay sa GCQ with pilot testing ng granular lockdown
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong quarantine classification na inirekomenda ng Inter Agency Task Force na ipatutupad sa ibat-ibang panig ng bansa mula September 8 hanggang 30.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ang National Capital Region o NCR ay ilalagay na sa General Community Quarantine (GCQ) with pilot testing ng granular lockdown mula sa Modified Enchanced Community Quarantine (MECQ).
Ayon kay Roque maglalabas ng guidelines ang IATF at mga Metro Manila Mayors sa pagpapatupad ng granular lockdown sa kanilang nasasakupan.
Inihayag ni Roque magkakaroon din ng paglilinaw sa mga alituntunin sa mass gathering kasama ang religious service, personal care services sa NCR.
Ang mga lugar na isasailalim MECQ mula September 8 hanggang September 30 ay ang Apayao sa Cordillera Administrative Region, Bataan, Bulacan sa Region 3, Cavite, Lucena City, Rizal at Laguna sa Region 4A, Iloilo province, Iloilo City sa Region 6 at Cagayan de Oro City sa Region 10.
Isasailalim naman sa GCQ with highthen resteiction ang Ilocos Sur, Ilocos Norte at Pangasinan, Cagayan sa Region 2, Quezon at Batangas sa Region 4A, Naga City sa Region 5, Antique, Bacolod City at Capiz sa Region 6, Cebu Province, Lapu-Lapu City Negros Oriental sa Region 7, Zamboanga del Sur sa Region 9, Misamis Oriental sa Region 10, Davao City, Davao del Norte Davao de Oro at Davao Occidental sa Region 11 at Butuan City sa CARAGA Region.
Ang mga lugar na isasailalim sa regular GCQ kasama ng NCR ay ang Baguio City, Kalinga, Abra at Benguet sa Cordillera Administrative Region, Dagupan City sa Region 1, Santiago City, Quirino, Isabela at Nueva Vizcaya sa Region 2, Tarlac sa Region 3, Mindoro Occidental at Puerto Princesa sa Region 4B, Aklan, Guimaras Island at Negros Occidental sa Region 6, Cebu City at Mandaue City sa Region 7, Zamboanga Sibugay, Zamboanga City, Zamboanga del Norte sa Region 9, Missamis Occidental at Iligan City sa Region 10, Davao Oriental at Davao del Sur sa Region 11, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato at South Cotabato sa Region 12, Cotabato City at Lanao del Sur sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Lahat ng lugar sa bansa na hindi nabanggit ay nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Vic Somintac