Bagong retirement savings scheme inilunsad ng SSS para sa mga miyembro
Pormal na sinimulan ngayon ng Social Security System o SSS ang Workers Investment Savings Program o WISP Plus ang bagong retirement savings scheme para sa mga miyembro.
Ang launching ng WISP Plus ay pinangunahan ni SSS President Michael Regino kasama sina Executive Vice President Rizaldy Capulong, Senior Vice President Edgar Cruz at Vice President Joy Villacorta.
Sinabi ni Regino nakabatay ang WISP Plus program sa konsepto ng work, save, invest and prosper para sa mga SSS members na magiging voluntary provident fund.
Ayon kay Regino ang WISP Plus program ay pinagsamang savings at investment kung saan maaaring sumali ang mga SSS members na sumusuweldo ng mas mababa sa 20 thousand pesos.
Ang original na WISP ay isang mandatory provident fund na mula sa konstribusyon ng mga SSS members alinsunod sa Republic Act 11199 o Social Security System Act of 2018 para sa retirement, disability at death benefits.
Batay sa batas ang covered ng original na WISP ay lahat ng mga private sector employees, self employed individuals, Overseas Filipino Workers o OFWS member at voluntary members na wala pang final claim sa SSS regular program at mayroong monthly salary credit na 20 thousand pesos pataas.
Samantala inanunsiyo ni Regino ang bagong SSS contribution simula January 2023 na 1 percent increase mula sa dating 13 percent ay magiging 14 percent hanggang maging 15 percent pagsapit ng taong 2025 batay sa SSS Act of 2018.
Vic Somintac