Bagong rules sa pag-o-organisa ng mga kawani ng gobyerno, nilagdaan na ng Public Sector Labor Management Council
Ilang araw bago ang Araw ng Paggawa sa Mayo 1 ay inilabas na ng Public Sector Labor Management Council (PSLMC) ang mga inamyendahang panuntunan kaugnay sa pagbuo ng organisasyon ng mga empleyado ng pamahalaan.
Ito ay matapos pormal na lagdaan ng mga opisyal ng PSLMC ang “2024 Rules and Regulations Governing the Exercise of Government Employees to Self-Organize.”
Ayon sa PSLMC, isang mahalagang hakbangin ang bagong rules para lalong maprotektahan ang karapatan at kapakanan ng lahat ng mga kawani ng gobyerno.
Naging metikuloso anila ang naging pagrebyu at konsultasyon bago nabuo ang amended rules.
Isa sa mga bagong probisyon ay ang ukol sa pagpayag sa pagpaparehistro sa national employees’ organization at effectivity ng collective negotiation agreements.
Nilinaw din sa bagong IRR ang mga kawani na hindi puwedeng bumuo o sumali sa mga organisasyon. Ito ay ang military, uniformed personnel at job order workers.
Sa tala ng Civil Service Commission, umaabot sa 2,040 ang rehistradong grupo ng mga government employees sa buong bansa
Sinabi ni DOJ Sec. Frederrick Vida, “The rules we sign today are a promise to safeguard the rights of those who serve our country to support their well being, and to recognize their invaluable contribution,”
Ayon naman kay CSC Chairperson Karlo Nograles, “ The promulgation of the 2024 rules is a testament of councils commitment to continuosky improve and safeguard the exercise the right to self organizayion in the public sector.”
Moira Encina