Bagong SC Justice Antonio Kho Jr. itinalagang miyembro ng SC Third Division
Muling nagpatupad ng reorganisasyon ang Korte Suprema sa tatlong dibisyon nito.
Kasunod ito ng pagkakatalaga kay bagong Supreme Court Associate Justice Antonio Kho Jr.
Sa special order na inisyu ni Chief Justice Alexander Gesmundo, si Kho ay inilagay sa SC Third Division bilang miyembro habang si Justice Midas Marquez na dating additional member ng Third Division ay nasa Second Division na.
Si Kho ay nanumpa sa posisyon noong Pebrero 24 kay Gesmundo.
Siya ang ika-193 associate justice ng Korte Suprema.
Moira Encina
Please follow and like us: